Matagumpay na nairaos ang Halalan 2025 ng mga mag-aaral sa Baitang 4-6 noong nakaraang Agosto 6, 2025 (Myerkules) at ngayong araw naman Agosto 8, 2025 (Byernes) ang Baitang 7-10. Kinilala ng mga gurong tagapayo (Homeroom Advisers) ang mga nahalal na pinuno sa klase. Isasagawa ang panunumpa ng mga halal na pinuno ng klase sa magaganap na Cluster Assembly ng mga ito.

Bago ang nasabing halalan, ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng pagbubuo ng kani-kanilang mga partido sa kanilang klase, nagsagawa ng pangangampanya, at nagdaos ng miting de avance.

Ang Halalan 2025 ay gawain taon-taon na pinangungunahan ng mga guro sa erya ng Araling Panlipunan, sa pakikipag-ugnayan sa Cluster Leaders (Gr4-10), at lahat ng mga gurong tagapayo (Homeroom Advisers).

Layunin ng nasabing gawain na matutunan ng mga mag-aaral mula sa ika-4-10 baitang ang maging matalino sa pagpili ng mga magiging pinuno sa kanilang mga klase, maging aktibo, at produktibong kabahagi ng gawain, at pagkakaroon ng karanasanan kung paano ang isinasagawa o nagaganap na halalan sa ating bansa, lokal man o nasyonal.