Sa pagtalakay ng Araling Panlipunan 4 sa lumalalang suliranin sa kalikasan, mahalagang papel ang ginagampanan ng kabataan sa pagsusulong ng sustainable development. Kamakailan, nagsagawa ng kampanya ang mga mag-aaral mula sa ikaapat na baytang ng paaralang Claret upang itaas ang kamalayan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran at responsableng paggamit ng likas na yaman.

 

 

Gumawa ang mga mag-aaral ng upcycling project mula sa mga patapong bagay at ginawang bagong kagamitan tulad ng pencil holder mula sa plastic na bote, bag mula sa lumang damit, at iba pa. Kasabay ng proyekto ay ang simpleng kampanya ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan upang maibahagi ang kamalayan ng kabataan na sila ang susunod na tagapag-ingat ng mundo. Sa kanilang sama-samang aksyon at pagsunod sa Red Goes Green na programa ipinakita ng mga mag-aaral na posible ang pagbabago kung may pagkakaisa, disiplina, at pag-asa para sa isang mas luntian at mas ligtas na hinaharap para sa lahat. #ScientiaMaximeCumVirtute